Nu’ng una, lote, Richard… BARBIE, PROUD NA IDINISPLEY ANG P6 M NA BAGONG KOTSE
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 21, 2026

Photo: IG _msbarbieimperial
Proud na idinispley ni Barbie Imperial ang bago niyang sasakyan sa social media. Nagkakahalaga ng almost P6 milyon ang bagong sasakyan ni Barbie.
Ishinare ni Barbie ang mga kuhang larawan niya katabi ang bagong white SUV.
Caption ni Barbie, “Big toy for a small girl.”
Nagreak ang ilang celebrity friends ni Barbie sa bago niyang sasakyan, gaya ni Mika Salamanca at ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose.
Comment ni Mika, “Pasakay naman.”
Reply ni Barbie, “Taraa!! Imy (I miss you).”
Sabi naman ni Chloe, “THE PRETTIEST!!!! Catch up na ulit soonest. Please, ate (Barbie) (white emoji).”
Sa comment section ng latest IG post ni Barbie ay pilit silang pinagsasabong ng ex-wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.
Sey ng mga netizens:
“Kahit ano’ng sabihin nila, mas nagagandahan ako rito kesa du’n sa isa. ‘Yung isa, parang mukhang bungo ‘pag wala makeup o burloloy. Pero si @msbarbieimperial, maganda talaga kahit walang makeup o simpleng suot. Parang napakabango at amoy baby.”
“Korek, mas maganda s’ya at mas sosyalin.”
“I'm not a Barbie fan pero super nagagandahan talaga ako rito sa batang ‘to. Regardless kung anong sabihin ng mga bashers, maganda talaga s’ya kaya naka-follow ako kasi stunning ang ganda n’ya though ‘di naman ako tagasubaybay kung ano man ang ganap n’ya, talagang bet ko lang ang mukha n’ya.”
For sure, may magbibintang na naman na si Richard Gutierrez ang bumili ng bagong sasakyan gaya ng lote ni Barbie Imperial sa Bicol.
Aktres, todo-pakiusap na ‘wag i-bash…
CLAUDINE AT MILANO, WAR NOON, FRIENDS NA ULI NGAYON
MAGKAIBIGAN na ulit si Claudine Barretto at ang nakaalitang ex-boyfriend niyang si Milano Sanchez.
Agad nagpaabiso si Claudine sa kanyang mga followers sa Instagram (IG) na huwag siyang i-bash sa pagbabati nila ni Milano.
Sa latest IG post ni Claudine ay masaya niyang binati si Milano na nag-celebrate ng birthday. Ipinost niya ang luma at bago nilang larawan na magkasama.
Caption ni Claudine, “Happy Birthday, Milano Sanchez. Glad we’re friends again. Wishing you happiness & good health. @onalim_zehcnas. Please, no bashers allowed here. Love, love lang po lahat.”
Nagpasalamat kay Claudine si Milano sa comment section.
Sagot ni Milano, “Thank you very much, CB! So happy we are talking and laughing again!”
Nag-reply si Claudine, “I know, right? Akalain mo, nagpaloko tayo sa fake news. Uy, friends na uli tayo.”
In fairness, wala namang negatibong comment na mababasa sa IG post ni Claudine tungkol sa pagbabati nila ni Milano.
Sey ng mga fans…
“Please post only positive vibes like this.”
“Masaya ako ‘pag masaya ang idol ko.”
“Happy birthday po. I’m glad na okay na po kayo.”
So, there.





Comments