top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

NU Bulldogs, mas matalim ang pangil sa UST Growling Tigers

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 10, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 10, 2022



Tinulungan ni Kean Baclaan ang National University Bulldogs na sakmalin ang dating koponan nitong University of Santo Tomas Growling Tigers upang makubra ang 69-63 para sa ikalawang panalo sa 85th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon.


Maituturing na pinakamagandang pagganap ng 5-foot-8 na rookie guard ang naging laro para sa Jhocson, Sampaloc-based squad ng bumuslo ng 16 puntos, pitong assists at apat na steals.


“We're lucky we got that win kasi kahit papaano nakakatakot 'yung UST hanggang dulo hindi sila bumibigay eh,” wika ni NU coach Jeff Napa.


Nagawang makabawi ng NU Bulldogs sa nakuhang pagkatalo kontra sa Ateneo de Manila Blue Eagles sa bisa ng 60-77, habang nakamit ng Espana-based ballers ang ikalawang sunod na pagkatalo ng panain ng De La Salle Green Archers sa 63-83 upang bumagsak sa 1-2 kartada katabla ang Adamson Soaring Falcons at UE Red Warriors.


Nagawang maibaba ng UST Tigers ang 14 na kalamangan ng NU Bulldogs kasunod ng lay-up ni Jamba Garing sa nalalabing 2:38 ng laro sa third period. Subalit sumagot naman ng 18-8 run ang Bulldogs hanggang sa final canto upang palobohin sa 18 sa 62-44 na may nalalabing 8 minuto sa laro.


Hindi sumuko ang UST sa laro ng kumagat ito ng 16-3 blast sa loob ng pitong minuto para ibaba sa 60-65 sa nalalabing 17.4 segundo, ngunit isinalpak ni John Lloyd Clemente ang dalawang free throws at isang tres naman ni Nic Cabanero para sa 63-67 sa 10.2 segundo.


Mga laro sa Miyerkules (Smart Araneta Coliseum) 11:00 n.u. – Ateneo vs UST; 1:00 n.t. – UP vs NU; 4:30 n.h. – DLSU vs UE; 6:30 n.h. –FEU vs Adamson

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page