top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

NTC dapat kumilos sa talamak na text scam

BULGAR
Sep 14, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 14, 2022


MAHIHIRAP NA PINOY, SAPOL SA PAGHINA NG PISO SA DOLYAR AT SA MATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN—May malaking problemang kinahaharap ngayon ang Pilipinas at ito ay ang paghina ng piso sa dolyar at mataas na presyo ng mga bilihin.


Dapat pagtuunan ng pansin 'yan ng economic team ng administrasyon at ng mga "bata" ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos sa Department of Agriculture (DA) kasi kung hindi masosolusyunan ang problema, mahihirap lang nating kababayan ang paniguradong magdurusa.

◘◘◘


CUSTOMS, NAGPASIKLAB NA NAMAN—Nagpasiklab na naman ang Bureau of Customs nang may salakayin silang warehouse na may nakatambak na libu-libong sako ng asukal sa Bulacan.


Nasabi nating pasiklab lang ito kasi tulad ng mga warehouse na nadiskubre nilang nagho-hoard ng libu-libong sako ng asukal ay hindi naman nakasuhan at pinakulong ni Customs Comm. Yogi Felimon Ruiz ang mga sugar cartels.


◘◘◘


MABUTI PA SI SEN. PADILLA NAGSULONG NG PANUKALANG GAMITAN NG MARAHAS NA AKSYON ANG MGA FAKE NEWS VLOGGERS, PERO ANG MGA BETERANONG SENADOR, 'NGANGA'—Nagsulong ng resolusyon si Sen. Robin Padilla na gamitan ng pamahalaan ng "marahas na aksyon" ang mga vloggers na nagpapakalat ng fake news sa bansa kasi malaking kasiraan ito sa Pilipinas.


Mabuti pa si Robin, ke-bago-bagong senador ay nakaisip ng ganyang resolusyon, pero ang mga beteranong senador, "nganga".


◘◘◘


DAPAT TEXT SCAMMERS ANG TUTUKAN NG PANSIN NG NTC—Talamak na ang text scam sa bansa at marami na rin ang nabiktima.


Dapat tanggalin na ni P-BBM sa puwesto si National Telecommunication Commission (NTC) si Commissioner Gamaliel Cordoba kasi imbes na ang pagtuunan nito ng pansin ay kung paano malalansag ang mga text scammers, eh, ang palaging pinag-iinitan ay ang operasyon ng ABS-CBN.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page