Norway at England swak sa q'finals, Haaland bida
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | July 7, 2026

Photo: Matapos ang 28-taon na paghihintay ng Norway, sa wakas naipasok ni Erling Haaland sa quarterfinals ang bansa sa FIFA World Cup at makamit ang Michelob Ultra Superior Player of the Match trophy.
Laro ngayong Martes - Last 16
3 AM Portugal vs. Espanya
8 AM USA vs. Belgium
Binuhat muli ni superstar Erling Haaland ang Norway laban sa paboritong Brazil, 2-1, sa isa pang nakakagulat na resulta sa FIFA World Cup 2026 Playoffs kahapon sa MetLife Stadium sa East Rutherford, New Jersey. Binigo rin ng Inglatera ang co-host Mexico, 3-2, sa tensiyonadong laro.
Nahanap ni Haaland ang dalawang goal sa ika-79 at 90 minuto bago nagdagdag ang reperi sa orasan. Pagkakataon iyan para makabawi ng isang goal ang Brazil sa penalty kick ni reserba Neymar Jr. sa ika-100 pero hindi sapat ang panahon at pumito na ang reperi matapos ang 2 minuto.
Ginawaran ang Brazil ng penalty kick sa ika-14 subalit nagmintis si Bruno Guimaraes. Nagpaalam na ang limang beses na kampeon at tutuloy sa quarterfinals ang Norway kontra Inglatera.
Puno ng aksyon ang laro sa Estadio Azteca at nagtala agad ng 2 goal si Jude Bellingham para sa Inglatera. Tumanggap siya ng matamis na pasa kay Bukayo Saka at inulo niya papasok ito sa ika-36.
Dalawang minuto ang lumilipas ay biglang inagaw ng mga Ingles ang bola at ibinigay ni Harry Kane ang bola kay Bellingham para maging 2-0. Nakabawi ng goal si Julian Quinones sa ika-42 bago magpahinga sa halftime.





Comments