top of page
Search
  • BULGAR

Northport Batang Pier, inilubog ang Fiberxers

ni Clyde Mariano @Sports | December 7, 2023



Pinalawig ng North Port ang paghihirap ng Converge at ipalasap sa FiberXers ang pang anim na sunod na talo, 111-95, at binigo ang debut ni bagong import Jamil Dashan Wilson sa 48th PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena kahapon.


Pinalitan ni Wilson si Tom Vodanovich sa hangad para putulin ang limang sunod na talo subalit nabigo ang 23 years old na bagong import na taga Wisconsin State na naglaro sa University of Oregon at ibigay sa Converge ang unang panalo sa lungkot ni coach Aldin Ayo.


Umiskor si Wilson ng 30 points at tinalo ni Venky Jois sa una nilang pagharap sa PBA.


Tumipa ang 30 years old Indian-Australian ng 39 points. “We played well balanced game.


Our offense and defense coordinated each other. I praised my players for their efforts,” sabi ni coach Bonnie Tan.


Nag-ambag si Arvin Tolentino ng 18, Cade Flores 13, Joshua Munzon 12 at Fran Louie Yu 11 sa panalo ng North Port. Gumawa ang North Port ng 34 of 68, siyam na tres, 16 of 27 free throws at kumalawit ng 62 rebounds.


Kinontrol ng Batang Pier ang laro at hindi pinagbigyan ang FiberXers at iposte ang impresibong panalo at perfect ang appearance sa Philsports Arena. Ngayon lang dumanas ang Converge ng anim na sunod na panalo sa apat na conference noong nakaraang season na binili ang franchise ng Alaska at binigyan ni coach Tim Cone ng mahigit sampung 10 titles kasama ang grandslam noong 2014.


Lamang ang North Port, 89-79, at 95-84 ng 7 minutes at hindi binitiwan ang pamumuno para kunin ang pang-apat na panalo sa anim na laro para ipalasap sa Converge ang pang- anim na sunod na panalo at kunin ang pangalawang sunod na panalo nang talunin ang Talk ‘N Text sa overtime, 128-123.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page