Northern Samar, niyanig ng 5.9 magnitude na lindol
- BULGAR
- Dec 9, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | December 9, 2022

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang karagatang bahagi ng Northern Samar ngayong Biyernes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batay sa initial bulletin ng Phivolcs, alas-2:33 ng hapon naitala ang lindol na tectonic ang pinagmulan at matatagpuan sa layong 105 kilometro northeast ng bayan ng Mapanas.
May lalim itong 38 kilometro, habang posibleng magkaroon ng mga aftershocks.
Nai-record naman, ayon sa Phivolcs ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
• Intensity III - Mapanas at Palapag, Northern Samar
• Intensity II - Rosario at San Roque, Northern Samar; Prieto Diaz at Bulusan, Sorsogon
• Intensity I - Legazpi City at Tabaco, Albay; Mercedes at Daet, Camarines Norte; Pili,
Camarines Sur; Hernani at Can-Avid, Eastern Samar; Hilongos, Dulag, Kananga, Abuyog, Alangalang at Baybay, Leyte
Ani pa ng ahensiya, wala namang inaasahang pinsala mula sa mga imprastraktura matapos ang lindol.




Comments