top of page
Search
BULGAR

North Korea, nagbanta ng nuclear strike sa South Korea

ni Eli San Miguel @World News | Oct. 4, 2024



News Photo

Nagbanta ang lider ng North Korea na si Kim Jong Un na gagamit ng mga nuclear weapons at permanenteng wawasakin ang South Korea kung kakantiin sila, ayon sa ulat ng state media ngayong Biyernes.


Ito'y kasunod ng babala ng lider ng South Korea na babagsak ang rehimen ni Kim kung susubukan nitong gumamit ng mga nuclear weapons. Bagama’t karaniwan ang ganitong mga pahayag sa pagitan ng magkaribal na Korea, dumating ang mga komentong ito sa gitna ng tumitinding tensyon dahil sa kamakailang pag-amin ng North Korea sa kanilang nuclear facility at mga missile tests.


Sa pagbisita sa isang special forces unit, sinabi ni Kim na walang pag-aalinlangang gagamit ang kanyang militar ng lahat ng puwersang pandigma, kabilang ang mga nuclear weapons, kung sasalakay ang South Korea sa soberanya ng North Korea. Idinagdag pa niya, “The permanent existence of Seoul and the Republic of Korea would be impossible.”


Nagsilbing tugon ang mga pahayag ni Kim, sa talumpati ni Pangulong Yoon Suk Yeol ng South Korea sa Armed Forces Day, kung saan inihayag niya ang pinakamakapangyarihang ballistic missile ng South Korea at nagbabala na ang anumang paggamit ng mga nuclear weapons ng North Korea ay magdudulot sa pagbagsak ng gobyerno ni Kim, dahil sa matatag at napakalakas na alyansa ng South Korea at United States.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page