top of page
Search
  • BULGAR

Normal na ang galaw ng mga Pinoy dahil sa F2F

ni Ka Ambo - @Bistado | August 29, 2022


MAY drama na naman sa Senado.

Girian sa minority block.


Kumbaga, kakarampot na'y nahati pa.


◘◘◘


MASYADO kasing bitter si Sen. Risa Hontiveros nang hindi makorner ang puwesto sa Commission on Appointments.


Dapat nauunawaan niya ang regulasyon at reglamento sa CA.


◘◘◘


MAGKAHIWALAY ang “personalidad” ng Senado at CA.

May kani-kanya itong reglamento.

Ang CA ay isa ring Constitutional Body kapantay ng Senado.

Wala sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Senado ang CA.


Ganun lang kasimple.


◘◘◘


NAGKAABERYA sa depinisyon ng minority sa Senado at may inilabas na interpretasyon dito ang mismong Senado na kinatigan din mismo ni Hontiveros.


Ang minority ay binubuo ng mga senador na hindi bumoto sa naihalal na Senate President.


◘◘◘


MALINAW na may dalawang grupo ang minorya sa Senado ngayon.


Una, ang grupo nina Hontiveros at Sen. Koko Pimentel at ikalawa, ang magkapatid na si Sen. Alan at Pia Cayetano na nagpakilalang “independent”.


◘◘◘


PALIWANAG ni Sen. Alan Cayetano: “Based on the rules of the Senate, if you vote for the Senate President, you are in the majority; if you do not, you are in the minority.”


Simple lang, maituturing ding minorya si Cayetano.


◘◘◘


NANG magdesisyon ang CA, ang napili nilang maging minority sa komisyon ay si Cayetano imbes na si Hontiveros.


Hindi Senado ang magdedesisyon sa CA, kundi ang mismong mayorya ng mga ito.


◘◘◘


MINSAN kailangan nating tanggapin ang katotohanan.


'Yan ay siyang magpapalaya sa atin at magpapaluwag ng kalooban at pagiging kalma.


◘◘◘


NORMAL na ang galaw ng Pinoy dahil sa F2F school class.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


KAPAG itinuloy pa ang barangay election, lalong sisigla ang ekonomiya.


Uunlad ang domestic economy.


◘◘◘


MAY nagbabala ng matingding krisis sa 2023 at 2024.


Malaking mali 'yan.


◘◘◘


KABALIGTARAN sa prediksyon ng mga eksperto, hindi lagim ang magaganap sa dalawang susunod na taon.


Super-unlad ang mararanasan ng Pilipinas dahil may pambihirang bertud ang bagong pangulo ng Pilipinas.


◘◘◘


TALIWAS sa hula ng nagpapakilalang astrologer.


Positibo ang mga mistikong planeta at numero na kaakibat ng kapanganakan ni Pangulong Marcos, Jr.


◘◘◘


MAGSISIMULA sa termino ni Marcos Jr. ang golden years ng Pilipinas dahil sa kanyang buntala at mistikong No. 4 at No. 8.


Marami ang mamangha at darakila sa ating bansa sa mga susunod na taon.


◘◘◘


UNANG signos o senyales dito ay ang pagiging Santo Papa ni Cardinal Tagle.


Susunod dito ang pagsulong ng turismo at telekomunikasyon.


◘◘◘


MATUTUPAD ang islogan ni dating Pangulong Marcos Sr.

This nation can be great again.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page