Normal na ang buhay ng mga tao, gobyerno at media na lang ang hindi!

ni Ka Ambo - @Bistado | February 22, 2021
Pumasok na agad ang bagyo.
Wala bang bakuna kontra bagyo?
◘◘◘
Kuwaresma na kaya bawal na ang karne.
Hindi apektado ng pork ang holiday ang mga Katoliko!
◘◘◘
Desidido na ang MGCQ sa Marso.
Matagal nang nakanormal ang mga tao, gobyerno at media na lang ang hindi normal!
◘◘◘
Dumaraing na ang mga dyip, bus at tricycle drivers dahil sa matumal na biyahe.
Hanggang kailan sila tatagal?
◘◘◘
Nagsisimula nang magbungkal ng tubig sa Mars.
Meralco na lang ang hinihintay!
◘◘◘
Ibinabala na ang pagbagsak ng asteroid sa earth.
Kung sino ang makapulot ay biglang yayaman.
◘◘◘
Puwede nang buksan ang mga sinehan.
Buhay na ulit ang mga skalpers!
◘◘◘
Kaunti na lang ang lalahok sa Tokyo Olympics ngayong taon.
Puwede nang maka-gold ang Pinoy!
◘◘◘
Nangangampanya na si Mayor Sara gamit ang tarpaulin.
Sige lang!
◘◘◘
Tahimik lang ang mga ismagler.
Tumatayming sila sa epektos na bakuna!
◘◘◘
Posibleng naikontrabando na ang bakunan ng China.
Isasabay nila ang release sa order ng gobyerno.
He-he-he!





Comments