Noon Bell markado, vs. 6 na mahuhusay

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 28, 2022
Magpapang-abot ang pitong mahuhusay na kabayo sa magaganap na Condition Race Merged na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.
Markado ang kalahok na si Noon Bell, subalit ayon sa mga dehadista, malaki ang tsansang manalo ng ibang kasali dahil mga pang-stakes race din ang kanilang mga tiyempo.
Base sa mga komento ng mga karerista sa social media, inaasahang magandang laban ang kanilang mapapanood dahil mga dekalidad ang kalahok sa distansiyang 1,400 meter race.
"Bakbakan sigurado mga 'yan, mahuhusay at pang malalaking karera din ang kanilang mga tiyempo," saad ni Jason Macapagal, veteran karerista.
Bukod kina Noon Bell, Hugo Bozz at To It's Si Bing, ang ibang kalahok ay sina Gil's Magic, Eyeshot, Rap Bell at Tool Of Choice.
Rerendahan ni Jonathan Hernandez, ang nasabing event at suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.
Tiyak na aabangan din ng mga liyamadista ang shapolan ng anim na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.
May added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, posibleng magdomina ng bentahan si Matikas na sasakyan ni class A rider Kelvin Abobo.
Makakalaban ni Matikas sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Buwayang Bato, Since When, Miss Hibiki, Tempered Beauty at Happy Maggie.
Hahamigin ng winning connections ang karagdagang tiyempo na P5,000.
Samantala, siyam na karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Huwebes kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Tontoneeto (3), Geneva (2)
Race 2. Buwayang Bato (1), Matikas (6)
Race 3. Doktora (4), Cinderella King (8), Blazing Bullet (7)
Race 4. Calle Loreto (4), Morning Breeze (7)
Race 5. Fortune Island (9), Bocaue Rise (5), Jack Of Clubs (8)
Race 6. It's A Deal (7), Manila Boy/Morning Girl (1/1A), Batas Kamao (3)
Race 7. Noon Bell (7), Hugo Bozz (2), Eyeshot (3)
Race 8. Charm N Luck (5), Caloocan Zap (2), Seven Of Diamonds (7)
Race 9. Siquijor (9), Moving Violation (8), Kawawang Cowboy (1)





Comments