top of page
Search
  • BULGAR

Noon Bell, iaarangkada sa Condition Race

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 6, 2022


Ibabandera ng Bell Racing Stable ang kanilang padiinan na kabayo na si Noon Bell sa magaganap na Condition Race na pakakawalan ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Rerenda kay Noon Bell ay si former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez sa karerang may distansiyang 1,200 meter race.


Makakatagisan ng bilis ni Noon Bell sina Eyeshot, Dugong Bughaw, Tool Of Choice, Prettiest Star at Copy Cat na sasakyan ni Rodeo Fernandez.


Komento ng mga karerista, si Copy Cat ang posibleng maging mahigpit na karibal ni Noon Bell sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. "Paumento ang kuwadrang Bell Racing Stable, nagpapanalo sila kaya diyan ako lalagay kay Noon Bell," saad ni Gregorio Villahermosa, veteran karerista.


Ang Bell Racing Stable ay pag-aari ni Elmer De Leon, ama ng sikat na volleyball player na si Bea.


Maliban sa nabanggit na karera, inaasahang aabangan din ng mga karerista ang labanan ng limang mahuhusay na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa race 1.


Posibleng magdomina sa bentahan sina My Dear Magnolia at Matinloc Island na sasakyan nina John Alvin Guce at Mark Angelo Alvarez ayon sa pagkakasunod.


May distansiyang 1,200 meter race, ang ibang kalahok ay sina Pagbabago, Star Of Kidapawan at Diez Catorse. Hahamigin ng mananalong kabayo ang added prize na P5,000.


Race 1 - My Dear Magnolia (3), Diez Catorse (5)

Race 2 - Sky Dancer (7), Mandatum (6), Hold On (2)

Race 3 - Noon Bell (4), Eyeshot (1)

Race 4 - Dollarama (2), Siquijor (1)

Race 5 - Laughing Tiger (2), Kid Kenshin (4)

Race 6 - Plus (1), Prediction (6), Oak Hill (5)

Race 7 - Luke Skywalker (9), Hot Rot Hearts (1), Bullet (8)


0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page