Noon Bell at Hamlet tinututukan sa SLLP
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 13, 2022
Nakatutok ang mga karerista kina Noon Bell at Hamlet sa magaganap na Condition Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.
Subalit naniniwala ang ibang mananaya na hindi lang sina Noon Bell at Hamlet ang binabantayan ng mga karerista maging sina Rogelio at dehadong Refuse To Lose ay kasama sa mga listahan para sa gagawing winner-take-all, (WTA).
Ayon sa mga karerista ay mahuhusay ang mga kasali sa karerang may distansiyang 1,400 meter race.
Maliban kina Noon Bell, Hamlet, Refuse To Lose at Rogelio, ang ibang kasali sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Doctor Amorette, Goldsmith, Serafina at Line Them Up.
"Masaya dahil makapanood tayo ng magandang laban lalo na kapag may naglutsahan sa unahan," pahayag ni Jasper Sanchez, veteran karerista.
Ayon sa ibang karerista, posibleng magbigay ng magandang laban sina Rogelio at Refuse To Lose.
Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez si Noon Bell habang si Oneal Cortez ang gagabay kay Refuse To Lose.
Samantala, 7 races ang inihain ng Manila Jockey Club, (MJCI) kaya inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Tiyak na aabangan din ang labanan ng walong kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden race na bibitawan sa pangalawang karera.
Ang mga tatakbo ay sina Burning The Tracks, Gee's Colt, Papa Ohh Mamaw, Sun Dance, Winning shots, Yours Truly, Freestyle at Super Cong.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Achi Holy (1), Macabebe (3)
Race 2 - Super Cong (2), Freestyle (7)
Race 3 - Tininini (R8), Gossips/Princess Mamba (7/7A)
Race 4 - Noon Bell (7), Rogelio (3), Hamlet (6)
Race 5 - Commodora (1), Meteora (8), Work From Home (10)
Race 6 - My Jopay (5), King Tiger (4)
Race 7 - Christiano (2), National Treasure (8), Noir (9)





Comments