top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Non-stop raid sa mga bodega ng bigas, wa’ ‘wenta kung walang nasasampulan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 29, 2023


Tiniyak ng gobyerno na magtutuluy-tuloy ang pagsasagawa ng sorpresang inspeksyon sa mga bodega ng bigas upang mahanap ang iniipit na suplay na siyang dahilan na nagpapataas sa presyo.


Binigyang diin sa isinagawang inspeksyon na dapat agad ilabas sa merkado ang natuklasang suplay ng bigas para magkaroon ng sapat na suplay sa merkado at hindi tumaas ang presyo.


Batay sa ulat nitong nakalipas na linggo ay nagkaroon ng pagtaas sa bentahan ng bigas sa Metro Manila na naglalaro sa P50 hanggang P62 kada kilo.


Kapag hindi ito matutugunan ay posibleng sisipa pa ang presyo ng bigas sa P60 hanggang P65 bawat kilo sa mga palengke.


Ayon pa sa mga kinauukulan, hindi hahayaan na matulad ang bigas sa nangyari sa sibuyas noong nakaraang taon kung saan sumipa ng hanggang P700 kada kilo ang presyo.


Ayaw nating umabot sa mala-ginto ang butil ng bigas kaya umaasa tayo na seryoso ang kinauukulan sa pagtugon sa isyu.


Ang iba nga ay hindi pa rin bilib sa ginagawang raid, anila saka na sila maniniwala kapag may nasampulan na.


Ito ang hamon sa mga opisyal, ilantad ang mga operasyon, sabihin kung sino ang mga abusado at panagutin agad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page