top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Non-stop hacking sa gov't agencies, talupan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 18, 2023
1 min read

@Editorial | October 18, 2023


Ilang ahensya na ng gobyerno ang sinasabing na-hack.


Bukod sa PhilHealth, Philippine Statistics Authority, Philippine National Police at Department of Science and Technology, pinasok na rin ang website ng Kamara.


Bagama’t iginiit ng isang mataas na opisyal na prank incident lamang daw ang nangyaring hacking sa website ng House of Representatives.


Sa isang panayam kay House Secretary Reggie Velasco, sinabi nitong prank ang hacking sa kanilang website.


Nilinaw din niya na walang mahahalagang impormasyon sa website ng Kamara.


Sa totoo lang, marami ang duda sa sunud-sunod na hacking sa mga ahensya ng gobyerno na tila timing umano sa ginagawang pagtalakay sa budget para sa susunod na taon.


Tila may pahiwatig din umano na kapag hindi nabigyan ng mas malaking pondo, malalagay sa alanganin ang seguridad ng government agencies mula sa cyberattacks.


Sa ganitong punto, mas mainam talaga na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.


Kailangang matukoy kung sino ang mga nasa likod ng umano’y hacking at kung ano ang tunay na motibo.


Isa pa sa mahalaga at dapat malaman ng publiko ay kung paano kumikilos ang gobyerno laban sa cyberattacks.


Epektibo ba ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa hackers? May kapasidad pa bang labanan ang ganitong banta sa seguridad ng bansa? Dahil kung wala, sayang naman ang malalaking pondo na baka hindi naman nagagamit, humihirit pang dagdagan? Nagtatanong lang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page