NoKor, nagpakawala ng panibagong missile
- BULGAR

- Apr 16, 2023
- 1 min read
ni J. Repol | April 16, 2023

Kinumpirma ng North Korea na muli itong naglunsad ng panibagong Solid-Fueled Hwasong-18 Intercontinental Ballistic Missile o ICBM.
Mismong si North Korean leader, Kim Jong Un ang nanguna sa missile test.
Bagaman nagdulot ito ng pagkabahala sa iba pang mga kalapit na bansa, sinabi ng North Korea na ang missile ay walang malakihang impact sa mga katabing bansa, katulad ng South Korea, Japan, at iba pa.
Ang Solid-fueled ICBM ay mga state-of-the-art missiles na mas mabilis at mas magaan ang paglipad kumpara sa mga liquid-fueled missile.








Comments