top of page

No meat, 1 beses kada araw lang kumakain… CESAR, 63-ANYOS AT MAY 10 ANAK PERO MATIKAS PA RIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 21, 2026



TEKA NGA - CESAR, 63-ANYOS AT MAY 10 ANAK PERO MATIKAS PA RIN-FB Cesar D. Montano

Photo: FB Cesar D. Montano



Matagal-tagal na ring hindi lumalabas sa pelikula at telebisyon si Cesar Montano. Pahinga muna siya sa kanyang showbiz career at ine-enjoy ang simple at tahimik na buhay sa Bohol kung saan meron siyang property. Dito siya naglalagi upang magpinta.


May mga political groups ang kumukumbinse kay Cesar na pumasok sa political arena at tumakbong gobernador, pero mas gusto niyang sumuporta na lang kung sino ang karapat-dapat sa puwesto. 


Ngayon lang siya bumabawi sa pakikipag-bonding sa kanyang mga anak at apo. Sampu na ang anak ni Cesar Montano at sa edad niyang 63 ay matikas na matikas pa rin ang kanyang porma. 


Healthy living ang kanyang sikreto — no meat at sagana siya sa isda at gulay. Regular din siyang nag-eehersisyo at once a day lang daw kung siya ay kumain.


Nakapanayam ng media si Cesar Montano nang mag-guest siya sa Pan de Panitikan Poetry Night at Open Mic Session na ginanap sa 87-year-old Kamuning Bakery. 

Ayon kay Cesar Montano, naghahanap siya ng producer para sa musical play ng life story ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal.





PURSIGIDO ang actor-politician na si Alfred Vargas na ituloy ang kanyang reklamo sa nang-bully sa kanyang anak na naganap sa pinapasukang eskuwelahan nito. 


Anak din ng isang aktor ang batang nang-bully sa anak ni Konsehal Alfred. Umaapela rin daw ito na ang anak niya ang nadehado.


Pero base sa feedback ng ilang netizens, may pagka-maangas at palaban ang tatay ng batang nang-bully, samantalang si Alfred ay kilalang tahimik, kalmado at marespeto. 


Hindi kailanman nasangkot sa anumang gulo at kontrobersiya si Alfred at marunong siyang makisama sa kanyang mga katrabaho sa showbiz. 


Bilang isang ama, karapatan lang ni Alfred Vargas na ipagtanggol ang kanyang anak. Hindi biro ang makaranas ng pambu-bully ang isang bata sa murang edad dahil traumatic ang ganitong experience. Kaya naman suportado niya ang kanyang anak.





NAGSISIMULA nang mag-ikot ngayon sa Tondo area sa Maynila si Ruru Madrid upang maging pamilyar siya sa location ng upcoming action-drama seryeng Hari ng Tondo (HNT)


Kakaibang experience ito para kay Ruru dahil personal niyang mararanasan at makikita ang pamumuhay ng mga taga-Tondo. Mas mabibigyan niya ng makatotohanang pagganap ang kanyang character.


Ikinatutuwa ng mga taga-Tondo ang pagdalaw ni Ruru Madrid sa kanilang lugar at handa silang tulungan ang aktor upang maging makatotohanan ang kanyang pagganap bilang ‘Hari ng Tondo’. 


Panibagong hamon ito sa kanyang kakayahan at pinaghandaan niya nang husto dahil marami siyang fight scenes na gagawin dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page