No disconnection period ng Meralco, extended!
- BULGAR

- Jul 6, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | July 6, 2020

Good news para sa ating lahat! Dahil mas pinalawig pa ng Manila Electric Company (MERALCO) ang panahon na hindi magpuputol ng supply ng kuryente.
Sa pagdinig sa House committee on Energy hearing noong Hulyo 2 na pinamumunuan ni House Energy Committee Chairman Lord Allan Velasco, sinabi ni Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa na extended ang “no disconnection period” hanggang katapusan ng Setyembre 2020.
Sa panayam ng media kay Meralco Spokesperson Joe Zaldararriaga, sinabi nitong ginagawa ng Meralco ang lahat para maisaayos at matugunan ang lahat ng mga isyu at hinaing ng Meralco customers. Aniya, “Iniisa-isa namin ang bawat reklamo na aming natatangap at hindi kami titigil hannga’t hindi nabibigyan ng solusyon ang bawat hinaing.”
Kaya naman lubos na nagpasalamat si Congressman Velasco sa ginawa ng Meralco at sinabing malaking tulong ito at makababawas sa alalahanin ng mga konsiyumer ng kuryente.
Nagsimula noong Mayo ang aktwal na meter reading ng kumpanya at nakumpleto noong nagdaang buwan ng Hunyo.
Tinitiyak ng Meralco na ang sinisingil lamang nito ay kung ano ang nakonsumo ng kanilang kustomer batay sa nakarehistro sa metro.





Comments