top of page
Gary V. - IG.jpg

“No collection policy” sa iskul, tiyaking nasusunod

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2023
1 min read

@Editorial | November 11, 2023


Sa kabila ng ipinatutupad na “no collection policy” sa public schools, may mga reklamo pa rin kaugnay ng paghingi ng kontribusyon sa pamamagitan ng PTA o mga asosasyon ng mga magulang at guro.


Sa isang budget hearing nitong Huwebes, ipinakita ng isang senador ang mahabang listahan ng mga magulang na nagrereklamo laban sa pangongolekta ng bayad sa PTA.


Sinasabing ang nalilikom na halaga ay inilalaan na pambili ng school supplies at appliances.


Kaya nagtakda ang Department of Education (DepEd) na maglalabas ng department order para muling idiin ang patakaran.


Ang layunin ng "no collection policy" ay para hindi makaapekto sa grades o kung ano mang performance ng mga bata ‘pag hindi nakapagbigay ng kontribusyon.


Pakiusap din sa mga magulang na pabida-bida at gustong magyabang ‘pag may meeting sa eskwelahan, matutong sumunod sa patakaran at isaalang-alang ang kalagayan ng iba.


Sa hirap ng buhay ngayon, huwag nating gipitin ang isa’t isa. Kung gusto at may kakayahang tumulong para sa ikagaganda ng edukasyon ng mga bata, puwede naman, pero huwag mamilit ng iba na hirap talaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page