No. 1 pa rin daw ang orig… HEART, NAGPATUTSADA SA MGA GUMAGAYA SA KANYA
- BULGAR

- 12 minutes ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 26, 2026

Photo: IG _iamhearte
Hindi nga nauubusan ng isyu tungkol kay Heart Evangelista. Halos lahat na lang ng kanyang sabihin at ikilos ay binibigyan ng kahulugan ng kanyang mga bashers.
Well, lahat ay nakatutok sa mga kaganapan sa kanyang buhay. Pati na ang kanyang mga outfits at alahas ay hindi nakaligtas sa mga netizens.
Aware si Heart na marami ang nagmamasid sa kanya at sa mga events na kanyang dinadaluhan, pero sinanay niya ang sarili na dedmahin at huwag magpaapekto sa mga bashers at mga taong pilit na ginagaya ang kanyang lifestyle.
May isang statement nga raw si Heart na ganito ang nakasaad: “Girl, you can copy everything I do, but you can never copy my aura, my vibe and my soul. The original is always number one!”
Kung totoong sinabi nga niya ito, swak na swak ang parinig sa mga inggitera at copycats.
KUNG ginusto lang noon ni Dina Bonnevie na maka-penetrate sa Hollywood at makasama sa ilang mga international movies, matagal na sana niyang naabot ang kanyang pangarap.
May nakilala raw siyang mga taong may connection sa Hollywood at kinumbinse nga siyang mag-try. At that time, mga anak na ni Dina sina Danica at Oyo. Pero ayaw niya na malayo sa mga ito, kaya hindi niya tinanggap ang offer.
Well, nag-let go si Dina sa kanyang Hollywood dream. Sinikap niyang itaguyod ang mga anak kay Vic Sotto at nagpatuloy siya sa kanyang showbiz career.
Hindi na sila nagkabalikan pa at nanatili siyang single mom hanggang sa nagkaroon na rin ng sariling pamilya sina Danica at Oyo.
Kabibiyuda lang ni Dina sa kanyang mister na si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Deogracias Victor ‘DV’ Savellano. Ang kanyang mga anak ang umalalay sa kanya upang maka-move on. Binuo nila ang online show na House of D (HOD) channel sa YouTube (YT) upang malibang si Dina at magsilbing bonding nila.
Super in love sa BF… JULIE ANNE, NAKAPAG-COMPOSE NG KANTA DAHIL KAY RAYVER
HABANG tumatagal ay lalong tumitibay ang relasyon nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Nagkakatulungan sila sa kanilang career at patuloy na nagsasama sa kanilang mga proyekto.
Mas tumutok si Julie Anne sa kanyang pagiging singer, performer at host. Ito ang linyang kanyang pinili, kaya okey lang na wala siyang regular na serye sa GMA Network. At least, hindi siya nababakante sa trabaho.
Maging si Rayver ay nahasa na sa pagho-host ng show. Regular siyang napapanood na nagpe-perform sa All-Out Sundays (AOS).
Tulad ni Julie Anne, marunong kumanta at tumugtog ng gitara si Rayver, kaya match na match ang tandem nila.
Ang nobyo ang nasisilbing inspirasyon ngayon ni Julie Anne, kaya nagagawa niyang mag-compose ng awitin. Inialay niya kay Rayver ang latest composition niyang Saglit Lang.
NAG-DECLUTTERING (nagbawas ng kagamitan) recently si Kris Bernal at nagpa-garage sale ng mga damit at iba pang gamit. Pati na ang mga nakalakihang damit ng kanyang anak ay ipinabenta rin niya.
Maraming namili sa two-day garage sale ni Kris dahil halos bago pa at sosyalin ang mga ibinebenta.
Marami naman ang nanghihinayang dahil hindi sila nakahabol at naintriga sa mga pre-loved items ng aktres.
Kaya may panawagan kay Kris ang mga gustong bumili, sana raw ay magkaroon ng Part 2 ang garage sale at sana, sa Kyusi area para accessible sa mas marami.
Well, sadyang masuwerte pa rin si Kris dahil nakatagpo siya ng life partner na mabait, supportive at good provider pa. At dahil businessman ang kanyang mister na si Perry Choi, natuto rin siyang magnegosyo. Nakabalik din siya sa showbiz at may career.
Visible na naman ngayon sa telebisyon ang aktres.





Comments