ni GA @Sports | November 19, 2023
Mga laro sa Martes (Philsports Arena)
2 n.h. – Petro Gazz vs Farm Fresh
4 n.h. – Cignal vs Chery Tiggo
6 n.g. – Choco Mucho vs F2 Logistics
Tinapos ng Akari Chargers ang kanilang three-game losing skid upang balingan ng ngitngit ang kulelat na Quezon City Gerflor Defenders sa dominasyong 25-18, 25-15, 25-19, kahapon sa pagdayo ng 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference sa Aquilino Q. Pimentel International Convention Center sa Cagayan de Oro City.
Kumamada ang dating Ateneo Blue Eagles power-hitter Faith Janine Nisperos kabuuang 11 puntos upang pangunahan ang atake ng Akari na tinapos ang kanilang three-game losing skid at umangat sa 4-4 kartada katabla ang F2 Logistics at Petro Gazz Angels sa three-way tie.
Bumira rin ng sariling 11 puntos si Christine Soyud mula sa 8 atake, 2 service aces at isang block, habang lumista rin ng parehong walong puntos sina Fifi Sharma at Dindin Santiago-Manabat. Naging mahusay rin ang pamamahagi ng bola ni Michelle Cobb na nagbigay ng 10 excellent sets kasama ang dalawang puntos.
“It’s a good step-forward and we put our hands together and we really tried to help each other during the game. We put our trust to our coaching system and with each other,” pahayag ni Nisperos matapos ang laro na ikinagalak ang pagbabalik sa Mindanao na lumaki sa Davao City, Davao del Sur. “Syempre it’s nice to be back home and the energy is really different when you’re in the province, kitang kita mo yung grabeng suporta sa’yo ng mga taga-rito, to be out-of-town. It’s really a blessing in disguise because we can also be together in one place as a team,” dagdag ng 23-anyos na dating 2022 UAAP second best Outside Hitter.
Comments