top of page

Niretoke lang ang mga piktyur… SIGAW NI ELLEN: SAM PINTO, 'DI MAGANDA, MAGASPANG ANG KUTIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 9, 2021




Tiyak na magre-react si Sam Pinto kapag nakarating sa kanya ang comment nina Ellen Adarna at Mo Twister na hindi naman siya kagandahan in person kundi telegenic lang!


Dagdag pang comment ni Ellen ay magaspang at bad skin daw si Sam. Dismayado nga raw siya nang ma-meet niya in person ang sexy actress dahil akala niya ay ang ganda-ganda nito at mala-diyosa sa kinis ang kutis. 'Yun palang mga photos ni Sam na nakikita niya sa mga fan mags ay Photoshopped at niretoke lamang.


Nagkasama-nagkatrabaho noon sina Ellen at Sam sa Bubble Gang, hanggang sa pareho silang nawala sa gag show.


Si Sam ay nag-lie-low sa kanyang showbiz career upang asikasuhin ang kanilang private resort. Tulad ni Ellen, may kaya rin ang angkan ni Sam Pinto kaya hindi siya nakadepende sa kikitain sa kanyang showbiz career.


Well, ang tiyak na aabangan ng lahat ay kung papatulan ni Sam Pinto ang patutsada ni Ellen na hindi siya maganda at magaspang ang kutis. Baka dedmahin na lang ni Sam ang pag-iingay ni Ellen dahil may sitcom ngayon ang huli with John Estrada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page