Ninong, markado na sa liyamadista sa SLLP
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 30, 2022
Markado ng mga liyamadista si Ninong pagtakbo nito sa Condition Race Merged sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite, ngayong gabi.
Rerendahan ni jockey Jomer Estorque, nakatutok kay Ninong ang limang tigasing kabayo na makakalaban niya sa distansiyang 1,400 meter race.
Nakalaan ang added prize na P10,000 na hahamigin ng winning horse owner, ang ibang kasali ay sina Calle Loreto, O Sole Mio, Goldsmith, Performance Gear at Runaway.
"Mahusay ang takbo nitong nakaraan ni Ninong, tingin ko masisilo niya ang panalo riyan sa grupong tatakbuhin niya," saad ni Carlito Manansala, veteran karerista.
Ayon sa ibang karerista posibleng magbigay ng magandang laban kay Ninong ay ang kalahok na sina O Sole Mio at Performance Gear.
Tiyak na magandang laban din ang mapapanood ng mga karerista sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ikakasa sa unang karera.
Magtatagisan ng bilis ang pitong kalahok sa distansiyang 1,400 meter race kung saan may P20,000 na garantisadong premyo ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line. Ang maglalaban-laban ay sina Money Changer, Birthright, Believe In Me, Papa Ohh Mamaw, Club Havana, Senyorita at Electrify.
Samantala, 7 karera ang pakakawalan ngayong araw ng Biyernes kaya maligalig na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Electrify (7), Believe In Me (3), Club Havana (5)
Race 2 - Cash Is King (3), Pharaoh's Queen (7), Elegant Angel (1)
Race 3 - Ninong (2), Runaway (6)
Race 4 - Love N' Kisses (5), Red Hawk (4)
Race 5 - Crown In My Head (5), Reesy Baby (2)
Race 6 - Tazama (4), Tocque Bell (2)
Race 7 - Lemon Bell (2), Chef Cat (1), You Never Know (7)





Comments