top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nikko Natividad, aminadong nadyahi magpakita ng puwet

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 6, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 6, 2024




Napuno ng tawanan ang naging guesting ni Nikko Natividad sa vlog ni Luis Manzano na ”Luis Listens” matapos mausisa ang pagiging makulit ng Hashtags' dancer at aktor on and off cam.


Tinanong kasi ni Luis si Nikko kung talaga raw bang naughty ito kahit sa likod ng camera.


Pagkukwento ni Nikko, nagkaroon daw ng restrictions nu'ng sila'y nasa Hashtags pa pero nasanay na rin daw ang madla sa kakulitan niya.


Hirit pa nito, sa sobrang sanay na raw sa kakulitan niya, halos walang maniwala nu'ng nahiya siyang magpakita ng puwet sa isang pelikula sa Vivamax.


Pinagtawanan pa raw siya ng mga cameramen sa set dahil sinusubukan niyang patigasin ang tindig ng kanyang puwet sa hiya niya sa mga ito.


Sey niya nga, wala raw magagawa kundi mag-explore ng mga pwede niyang gawin bukod sa pagsasayaw kaya naman kinailangan niya ring pasukin ang larangan ng pag-arte.


Kinaaliwan naman ng mga netizens ang naging kulitan nina Nikko at Luis sa nasabing interview dahil parehas na komedyante ang dalawa at walang nagpahuli sa mga ito pagdating sa asaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page