top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Nigerian at Pinay na negosyante, tiklo sa P3.4M shabu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 1 min read

ni Janice Baricuatro @News | July 20, 2026



6.4M halaga ng shabu nasabat - PDEA

Photo: PDEA



Nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Nigerian national at isang Pilipinang negosyante matapos makumpiskahan ng tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng madaling-araw.


Ayon sa PDEA, naaresto ang dalawang suspek matapos ang serye ng surveillance at validation na isinagawa laban sa kanila kaugnay ng umano'y bentahan ng ilegal na droga. Nang maganap ang aktwal na transaksyon, agad silang dinakip ng mga operatiba.


Nasamsam sa kanilang posesyon ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na P3.4 milyon. Narekober din ang iba't ibang gamit na posibleng magsilbing ebidensiya, kabilang ang mga cellphone, ID card, ATM at cash cards, e-wallet card, pawnshop card, pitaka at iba pang personal na kagamitan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page