NGO nina Leni at Janet Napoles, magkaiba!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 3, 2022
MAGKAIBA ANG NGO NINA LENI AT JANET NAPOLES—Ang NGO ni Leni ay hindi tulad ng mga itinatag na NGO ni Janet Napoles.
Ang NGO ni Leni ay may layuning tumulong sa mga nangangailangan at sa mga biktima ng kalamidad, kasama niya ang mga pilantropo na matulungin sa kapwa, hindi ito katulad ng mga NGO ni Napoles na itinatag para mang-scam sa pera ng bayan, kasabwat ang mga buwayang senador at kongresista, boom!
◘◘◘
PANUKALA PA LANG ANG P10-K AYUDA NA PRAMIS NI CAYETANO—Isinulong na ni Sen. Alan Cayetano ang panukalang bigyan ng ayudang P10, 000 ang lahat ng pamilyang Pilipino.
Ibig sabihin, isinulong at hindi pa ganap at kailangang aprubahan muna ito ng Senado, Kongreso at Palasyo bago maisakatuparan.
Ang nais nating ipunto ay mali ang akala ng mga bumoto kay Cayetano na bibigyan sila ng tig-P10-K kapag nagwagi itong senador.
◘◘◘
PABORAN KAYA NINA P-BBM AT VP SARA ANG PANUKALANG 10 YEARS SA PUWESTO ANG PANGULO AT VP?—Nagsulong si Pampanga 3rd district, Rep. Aurelio Gonzales ng panukalang baguhin ang Konstitusyon, na gawing 10-years ang termino ng pangulo at bise presidente, sa halip na anim na taon lamang.
Sa sistema ngayon, isang termino na may katumbas na anim na taong panunungkulan ang pangulo at bise-presidente at pagkaraan ay hindi na sila puwedeng kumandidato bilang mga re-electionist sa pagka-presidente at VP, pero sa panukala ni Gonzales, ay sa isang termino ay limang taon manunungkulan ang pangulo at kanyang bise, gayunman ay puwede pa ulit silang kumandidato para sa isang termino sa pagka-presidente at pangalawang pangulo, kaya ang total nito ay 10 years sa puwesto.
Ang tanong: Paboran kaya nina P-BBM at VP Sara ang panukalang 'yan? Abangan!





Comments