top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

NGCP, nanawagan ng mas mabilis na permit at right-of-way para sa energy projects

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 6, 2026



TIniyak ng National Grid Corporation of the Philippines sa Malacañang ang patuloy na pagpapalakas ng transmission network at pagkumpleto ng mga kritikal na proyekto upang matugunan ang lumalaking demand sa enerhiya ng bansa.

Photo: File / NGCP



TIniyak ng National Grid Corporation of the Philippines sa Malacañang ang patuloy na pagpapalakas ng transmission network at pagkumpleto ng mga kritikal na proyekto upang matugunan ang lumalaking demand sa enerhiya ng bansa. Ayon sa NGCP, kabilang sa kanilang prayoridad ang pagpapalakas ng transmission network ng bansa upang masiguro ang matatag at maaasahang suplay ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.


Patuloy na nagpapatupad ang korporasyon ng mga kritikal na transmission projects upang matugunan ang lumalaking demand at masuportahan ang integration ng mga bagong planta ng kuryente at renewable energy sources.


Kasabay nito, welcome sa NGCP ang patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa sektor ng enerhiya at ang panawagan para sa napapanahong pagpapalabas ng mga permit at hindi naantalang right-of-way access upang mapabilis ang pagkumpleto sa mga pangunahing transmission projects.


Ang nasabing pahayag ng NGCP ay sa gitna na rin ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DOE na tingnan ang mga proyektong ginagawa ng NGCP at ang pagrebyu sa performance ng korporasyon, upang matiyak na natutugunan ang mga pangangailangan at problema sa suplay ng enerhiya sa bansa.

1 Comment


Jarrod Jaiz
Jarrod Jaiz
Jun 09

Implementing crucial power transmission projects to meet ever-increasing demand is extremely important. It's unimaginable that one day we wouldn't have enough electricity for everyday needs like playing free online games.

Edited
Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page