ni Angela Fernando - Trainee @News | April 2, 2024

Pinayuhan ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin ang mga kababaihan na huwag magsuot ng underwear sa loob ng kanilang mga tahanan para makaiwas sa fungi infection dahil sa mainit na panahon.
"Minsan lalo na nasa tag-init — wala lang malisya, 'no? — pero kung nasa bahay ka lang naman at matutulog, it's quite advisable na walang underwear pero naka-pajama ka naman o naka-shorts," saad ni Garin.
"'Yung ventilation na iyan ay epektibo para mapigilan at hindi na lumala 'yung fungal infection," dagdag nito.
Binigyang-diin din ni Garin na mas madaling mahawaan ng impeksyon sa fungi ang mga kababaihan kapag sila ay nagsusuot ng masisikip na damit sa gitna ng mainit na panahon.
Comments