Ngayong Semana Santa, taumbayan, penetensya sa taas-presyo ng langis
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 24, 2024
UMPISA NA NG SEMANA SANTA, KAYA SANGKATUTAK NA TRAPONG KORUP NA NAMAN ANG MAGBABANAL-BANALAN -- Bukas ay Lunes Santo na, umpisa na ito ng Semana Santa.
At dahil panahon na ng Semana Santa, tiyak sangkatutak na namang mga kurakot na trapo (traditional politicians) ang magbabanal-banalan, boom!
◘◘◘
SEMANA SANTA, GINAGAMIT SA PAMUMULITIKA NG MGA WALANGHIYANG TRAPO -- Kapuna-puna ang naglalakihang tarpaulin ng mga trapo na nakakalat ngayon sa mga kalsada, na may mensaheng “mag-ingat sa biyahe” na ang tinutukoy ay ang mga motorista at mga kababayang mag-uuwian sa kanilang mga probinsya sa panahon ng Semana Santa.
Ganyan kawalanghiya ang mga trapo, porke nalalapit na ang midterm elections sa May 2025 pati Semana Santa ay ginagamit nila sa pamumulitika, mga buset!
◘◘◘
MARCOS ADMIN ‘SALBAHE’, KASI KAHIT HOLY WEEK NAG-APRUB NG BIGTIME OIL PRICE HIKE -- Next week, sa panahon ng Mahal na Araw ay magkakaroon ng bigtime price hike ang mga kumpanya ng langis, dagdag na P2.10 sa kada litro ng gasolina at P1.50 sa kada litro ng diesel at kerosene.
Hindi naman magtataas ng presyo ang mga oil company kung wala itong basbas ng mga alagad ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa Dept. of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), na ang nais nating ipunto rito ay ganyan ‘kasalbahe’ ang Marcos administration, kasi kahit panahon ng Semana Santa ay nagdadagdag ng pahirap at penitensya talaga sa mga mamamayan, tsk!
◘◘◘
DAPAT MANAGOT ANG PCG OFFICIAL NA NAG-APRUB MAGING PCGA MEMBER ANG MGA CHINESE NATIONALS -- Dapat laliman ng Kongreso ang imbestigasyon patungkol sa 36 Chinese nationals na ginawang miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) para malaman kung sino ang nag-recruit sa mga Intsik na ito na maging PCGA members.
Dapat managot kung sinong opisyal ng PCG ang tumanggap sa mga Chinese national na ito para maging miyembro ng PCGA, kasi hindi katanggap-tanggap na habang binu-bully at hina-harass ng China Coast Guard (CCG) ang PCG, ay may PCG official na ginagawang PCGA members ang mga Chinese national, period!





Comments