top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ngayong Semana Santa, magnilay at magpahinga

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 6, 2023
1 min read

@Editorial | April 6, 2023



Tuwing Semana Santa, laging paalala ng Simbahan sa mga mananampalataya na magnilay, kahit pa nasa bakasyon.


Walang masama kung sasamantalahin ang pagkakataon na makapagbakasyon o makabisita sa mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.


Gayunman, kahit nasa bakasyon ay dapat humanap ng oras na makapagnilay-nilay at makiisa sa mga aktibidad ng Simbahan para sa napakahalagang okasyon.


Batid natin ang mga problema at pagod na dinadala ng bawat isa, bagama't magkakaiba, pare-pareho pa ring pasanin at gusto nating kahit saglit ay makahinga at makapagpahinga.


Gamitin natin ang pagkakataon na hindi lang para maging masaya kasama ang pamilya o tropa, kundi para rin sa sarili.


Ito ang panahon na dapat magsilbing debosyon upang baguhin ang mga dapat baguhin at planuhin ang mga kailangang gawin.


Ayon nga sa Simbahan, ang Holy Week ay para magbalik sa Panginoon, humiling ng patawad saka magpanibagong-buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page