top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ngayong may sariling bahay na… ROCCO, PAKAKASALAN NA ANG GF

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2020
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 22, 2020




Ang ganda ng hashtag ni Rocco Nacino na #GohingToBeNacino na pinagdugtong ang apelyido ng fiancée niyang si Melissa Gohing at ang kanyang apelyido. Engaged na nga ang dalawa, pero wala pang nabanggit kung kailan ang kanilang wedding day.


Sa kanyang Instagram, nabanggit ni Rocco na customized tear drop diamond ring na gawa ng Sep Vergara Fine Jewelry ang engagement ring na ibinigay niya kay Melissa nang siya’y mag-propose.


'Kaaliw basahin ang post ng Kapuso actor na pinasalamatan lahat ang involved sa kanyang marriage proposal dahil pati plates, curtains, chandelier at food trays ay binanggit niya.


Marami ang pumupuri kay Rocco dahil pinaghandaan daw ang pag-aasawa. Tinapos muna ang Masteral Studies niya at ang ipinagawang bahay sa Antipolo bago nag-propose. Para nga naman kapag ikinasal na sila, may bahay na siyang pagdadalhan kay Melissa.


Nabanggit dati pa ng isa sa cast ng Descendants of the Sun na kasama na sa plano ng ipinapagawa niyang bahay ang nursery at magiging room ng kanilang magiging babies.


Of course, kahit magkakaroon na ng asawa at pamilya, tuloy pa rin ang showbiz career ni Rocco at sigurado namang may follow-up project siya sa GMA-7 after ng DOTS.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page