Ngayong hiwalay na… FOR SALE NA P6.5 M SPORTS CAR, 'DI LANG DAW KAY DANIEL, KAHATI RIN SI KATHRYN
- BULGAR
- Jan 17, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | January 17, 2024

Hindi pa naman daw naghihirap si Daniel Padilla kaya't hindi isyu sa pera 'yung pagbebenta niya ngayon ng sports car umano nila ni Kathryn Bernardo.
Sa pinag-usapang paglapit daw ni DJ kay Boss Toyo (ang kilalang collector ng mga items ng mga celebrities, etc), hindi nga nagkasundo sa bentahan dahil sa presyong naglalaro sa kung ilang milyon ang seller at buyer.
Then lumabas pa sa mga tsika na "pareho" raw pag-aari nina DJ at Kath ang naturang sports car. May mga nagsasabi namang kay Daniel lang 'yun at na-drag lang ang name ni Kath dahil fan nito ang asawa ni Boss Toyo na nagsabing bibilhin lang nila ang item kung may permission ni Kath.
Naku, sa sari-saring mga balitang lumalabas ngayon about Daniel, bakit nararamdaman naming bumababa na ang value niya?
Kasama pa ba ito sa sinasabi ng marami na nagpapapansin talaga ang aktor dahil sa sobrang bumagsak ang imahe nito?
Ang latest tsismis na nasagap namin, bago pa man ang mga kung sinu-sinong names na na-drag sa "cheating issue," ay ang mabusisi umanong pag-uusap ng mga accountants and lawyers nila hinggil sa mga "joint ventures" na meron ang KathNiel.





Comments