Next sa KathNiel, Bea-Dominic, etc… JULIE ANNE AT RAYVER, SA HIWALAYAN DIN DAW ANG BAGSAK
- BULGAR
- Feb 9, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 9, 2024

Nababahala ang mga fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz dahil sa hula ng isang psychic na magkakaroon ng problema ang relasyong JulieVer at mauuwi rin daw sa paghihiwalay tulad ng nangyari sa KathNiel, KimXi at BeaDom.
Sina Julie Anne at Rayver ang susunod dahil may papasok na third party sa side ng aktor.
Isa sa malakas na tandem ngayon ang JulieVer sa GMA-7 dahil ang lakas ng kanilang chemistry. May naging pahayag noon si Rayver na si Julie na ang babaeng kanyang pakakasalan dahil taglay nito ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae.
Maraming bagay din silang pinagkakasunduan lalo na sa hilig nila sa musika.
Maging ang partido ni Rayver ay botong-boto na kay Julie Anne. At pati ang kanilang mga fans ay nagsasabing ang tambalang JulieVer ay ideal na showbiz couple dahil they inspire each other at walang lamangan.
Kaya ang mga fans at netizens sa social media ay panay ang dasal na 'wag naman sanang matulad ang kanilang mga idolo sa KathNiel, KimXi at BeaDom. Deserve ni Julie Anne ang lumigaya sa pag-ibig dahil tiyak na daramdamin niya nang husto 'pag nagkahiwalay sila ni Rayver Cruz.





Comments