top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Next president sana raw abogado, akala yata ni P-Du30 pagka-pangulo tinatakbo ni Sara, he-he

BULGAR
Mar 15, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 15, 2022


LALONG LUMABO ANG TSANSA NI BBM NA SUPORTAHAN SIYA NI P-DUTERTE KASI ABOGADO ANG GUSTO NG PRESIDENTE PUMALIT SA KANYA SA MALACAÑANG – Matapos sabihin ni presidential candidate Bongbong Marcos na hinahangad niya ang endorsement ni P-Duterte, sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ng Pangulo na ang dapat daw pumalit sa kanya sa Malacañang ay abogado.


Dahil sa sinabing 'yan ni P-Duterte, at dahil hindi naman abogado si BBM (Bongbong Marcos) ay parang lalong nawalan ng tsansang iendorso pa ng Presidente ang kandidatura ni Bongbong, tsk!


◘◘◘


BAKA AKALA NI P-DUTERTE FOR PRESIDENT TINAKBUHAN NG ANAK NIYANG LAWYER NA SI MAYOR SARA? – Sa mga kandidato for president, dalawa lang ang abogado, at sila ay sina Vice President, Atty. Leni Robredo at ang doktor na abogado rin na si Atty. Jose Montemayor.


At dahil kalaban sa pulitika ni P-Duterte si VP Leni ay imposibleng ito ang tinutukoy niyang gusto niyang pumalit sa kanya sa Malacañang, at imposible rin namang si Montemayor ang iendorso niya dahil hindi naman ito kilala sa larangan ng pulitika.


Aba teka, hindi naman kaya ang akala ni P-Duterte ay for president ang tinakbuhan ng anak niyang lawyer na si Mayor Sara Duterte kaya niya nasabing dapat abogado ang pumalit sa kanya sa Malacañang? He-he-he.


◘◘◘


DAPAT PAIMBESTIGAHAN NI GEN. FLYNN DONGBO KUNG TOTOO AT KUNG BAKIT NAGLALABAS-PASOK DAW SA CAMP DELGADO ANG GAMBLING LORD NA SI ALYAS 'MARAVILLA' – Madalas daw maglabas-pasok sa headquarters ng Philippine National Police (PNP)-Region 6 sa Camp Delgado sa Iloilo City ang gambling lord ng "Perya ng Bayan"-con jueteng at STL-(Small Town Lottery)-bookies ng Capiz, na si alyas "Maravilla".


Napaka-astig naman ng gambling lord na ito, kasi mantakin n'yo, nagagawa ng gambling lord na ito na maglabas-pasok sa Camp Delgado nang walang humuhuli sa kanya.

Kaya't ang tanong: Sino kaya ang madalas pasyalan ni "Maravilla" sa Camp Delgado?

'Yan ang dapat paimbestigahan ni PNP-Region 6 director, Gen. Flynn Dongbo, boom!


◘◘◘


TUTULOG-TULOG DAW YATA SA PANSITAN SINA COL. CAPOY AT COL. GUSTILO KAYA DUMAMI GAMBLING LORDS SA CAPIZ? – Bukod kay "Maravilla", ay may iba pa raw gambling lord ng bookies na nag-o-operate sa Capiz, at sila ay sina alyas "Darren", "Barrosa", "Retaso", "Wasay" at "Margarejo".


Mantakin n'yo, tatahi-tahimik ang Capiz, 'yun pala sandamakmak daw ang gambling lords sa lalawigang 'yan?


Tila yata tutulog-tulog daw sa pansitan sina PNP-Region 6 Intelligence Chief, Col. Jason Capoy at Capiz PNP Director, Col. Julio Gustilo kaya't dumami raw nang ganyan ang mga gambling lords sa Capiz?!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page