NEWS: Guo, nasa Indonesia pa — BI
- BULGAR
- Aug 23, 2024
- 1 min read
Updated: Aug 28, 2024
ni Angela Fernando @News | August 23, 2024

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes na nananatili pa rin sa Indonesia ang napatalsik na Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at wala pa siyang tangkang umalis ng bansa.
“Sa tracking po ng ating counterpart doon, confirmed po nasa Indonesia pa po. Wala pa pong attempts ng paglipat o pag-transfer sa ibang bansa itong si former mayor Alice Guo,” saad ng tagapagsalita ng BI na si Dana Sandoval.
Ayon kay Sandoval, nasa Indonesia pa rin ang kapatid ni Guo na si Wesley, sa kabila ng impormasyong ibinigay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na siya ay nakalabas na ng bansa.
Siniguro naman nilang tinitingnan nila ang Indonesia counterparts ng BI upang malaman kung may update sa biyahe ng mga ito.




Comments