News anchor, singer-songwriter na rin… BERNADETTE, NAIYAK NANG MAKIPAG-DUET KAY OGIE
- BULGAR

- Dec 3, 2020
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 3, 2020

Pagkatapos ng soundtrack ng Ang Sa Iyo Ay Akin na kinanta ng TV Patrol anchorwoman na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo ay heto, may bago na naman siyang kanta, ang Yakapinang Pasko na nabuo niya sa isang gabi lang at kasalukuyang napapakinggan sa Spotify at YouTube Channel ng ABS-CBN Star Music.
Say ni Bernadette, “I wrote both lyrics and melody and sang it too. One week lahat ang production."
Bago raw nag-quarantine, active pa siya sa choir. Pero nu'ng nagka-lockdown na wala siyang ibang nakakausap, tinawagan niya si Jose Mari Chan at kinumusta.
"Napagkuwentuhan namin ang music hanggang sa pinadadalhan niya ako ng music niya, inspirations niya nu’ng bata siya growing up.
“Tapos, sabi ko, nakagawa ako ng Christmas song na nag-hum lang ng melody, then nakumpleto ko, tapos sinend ko kay Tito Joe, tapos payo niya, ‘Why don’t you get an arranger so just try finishing a song?’"
Ini-recommend daw sa kanya nito si Homer Flores.
Kuwento ni Badette, "Sobrang galing pala ng taong 'yun, henyo! Wala naman kaming deadline, sabi lang niya, ‘Ang ganda ng kanta mo. Sige, gagawin ko para makita mo ang ganda ng ginawa mo.' Tapos, tinapos niya (arrangement) in a day at dahil nahiya ako sa kanya, tinapos ko ang lyrics ko sa isang gabi lang.”
Mabilis na naisulat ni Badette ang lyrics dahil inspired siya. Kuwento kasi ito ng mga taong nakakasalamuha niya sa field.
At kinakarir na ni Badette ang promo dahil kakanta siya sa A.S.A.P. at It’s Showtime.
“Ha, ha! Naiiyak nga ako nu’ng nag-duet kami ni Ogie (Alcasid) ng kanta ko, kasi iniisip ko, 'Ano'ng ginagawa ko rito sa A.S.A.P. stage, hindi ko linya ito.' Siyempre, 'di ba, iba naman ang ginagawa ko, tapos all of a sudden, nandito ako sa A.S.A.P. stage kasama ang mga singers?" 'di makapaniwalang sabi pa ni Bernadette.
Sa December 13 daw mapapanood ang duet nila sa A.S.A.P., at ngayong Huwebes naman ang guesting niya sa It's Showtime.





Comments