top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

New Zealand, 100 araw ng walang bagong kaso ng COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | August 9, 2020




Minarkahan ng New Zealand ngayong araw anng ika-100 araw na walang naitalang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa ngunit, binalaan ng health officials ang mga residente nito na huwag muna magdiwang.


Mayroon pang 23 active cases sa bansa ngunit, ito ay na-detect agad sa border bago pumasok ng bansa at kasalukuyang nasa isolation facility.


Ayon kay director-general of health na si Ashley Bloomfield, ang pagmarka sa ika-100 araw ng walang community transmission ng COVID-19 ay maituturing ng milestone ngunit pinaalalahanan na mag-ingat pa rin.


Aniya, nakikita nila sa iba pang panig ng mundo kung paano mabilis na kumakalat ang virus kahit ito ay under control na. Kaya naman kailangan pa ring maging handa ng bansa kung sakali mang makapagtala muli ng kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page