New Bilibid Prison, target ilipat sa Occidental Mindoro – DOJ
ni Lolet Abania | July 16, 2022

Sisikapin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na mai-transfer ang New Bilibid Prison (NBP) na mula sa Muntinlupa City ay dalhin ito sa Occidental Mindoro.
“Kung pwede, ilipat ang maximum security sa malayong lugar para hindi na sila nakakapinsala rito... We don’t want them mixing with the population,” pahayag ni Remulla sa latest episode ng The Mangahas Interviews.
“Nu’ng isang araw lang, may nahulihan ng shabu sa Bilibid. ‘Yan ay isang senyales lang na may problema tayo,” sabi niya. “Kung ang negosyo nakakapasok sa kulungan, pa’no pa ang security natin as a people,” giit ni Remulla.
Ayon kay Remulla, binisita niya ang Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, kung saan kayang mag-accommodate ng humigit-kumulang 10,000 maximum security prisoners na kasalukuyang nasa NBP.
Habang layon ni Remulla sa kanyang unang 100 araw sa puwesto na trabahuhin ang pag-transfer ng NBP, batid niya na aniya, “it will take time [and budget to do it].”
“Muntinlupa should no longer be the jail that it used to be,” sabi ni Remulla.
Kaugnay nito, ayon sa Justice chief, nais din niya na magkaroon ng mas mataas na conviction rates sa mga prosecutors.
“Maglalabas tayo ng policy statement sa m





Comments