top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Never retired militar ang next kay P-BBM sa DA

BULGAR
Jan 24, 2023
1 min read

@Editorial | Enero 24, 2023


Eksperto sa agrikultura at hindi sa retiradong opisyal ng militar o pambansang pulisya ibibigay ang top Department of Agriculture (DA) post.


Ito ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. bilang tugon sa paulit-ulit na tanong ng mamamayan kung sino ang itatalaga nito sa naturang kagawaran na may importanteng papel sa ating lipunan.


Bagama't Punong Ehekutibo ang umaaktong kalihim, aniya ay aalis siya kapag nagawa na ang lahat ng dapat gawin sapagkat aniya'y marami pang ginagawa.


Ngayong batbat ng isyung ang DA, marapat lang na matino, may malasakit at tunay na lingkod bayan ang ilagay ng Pangulo.


Bukod sa mga pramis o salita, sana ang mapupusuan ay tunay na may gawa at prinsipyo na tatapos sa kabulastugan ng mga smuggler at iba pang mapagsamantala.


Kailangan ng bayan ang mapagkakatiwalaang mamumuno, lalo pa't walang kasiguraduhan ang krisis na ramdam ng anumang estado ng lipunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page