Never naging malinis ang image… ANNE, AMINADONG TUMAGAL SA SHOWBIZ DAHIL SA MGA KAGAGAHAN NIYA
- BULGAR

- Sep 5
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 5, 2025

Photo: Anne Curtis-Smith - Instagram
Aminado si Anne Curtis na never siyang nagkaroon ng clean image sa showbiz.
Agree kami d’yan especially pagdating sa love life ni Anne.
Sa X (dating Twitter) account ni Anne ay ini-repost niya ang interview sa kanya ng isang lifestyle magazine kung saan nagbigay siya ng payo sa mga batang artista.
Caption ni Anne sa kanyang X post:
“HAHAHA! I honestly think that’s why I’ve lasted this long in the industry. 28 years!!! (shy emoji). I’ve never had a squeaky clean image. I’ve had my fair share of mistakes. Owned up to them publicly and learned from them. Stayed true to my core. Thanks for standing by me everyone (teary-eyed emoji).”
Sa interview ay in-encourage ni Anne ang mga kabataan to dream big at huwag susuko kung talagang passion nila ang pag-aartista.
Pahayag ni Anne, “If this is something that you’re very passionate about and you feel strongly for, I would have to say that you should continue to dream big, hold on to those dreams but have the patience to work hard for them.
“This isn’t something that’s going to be served to you on a silver platter—this is something that you work hard for. You might reach that point where you feel defeated, but that doesn’t mean you have to give up on it.
“You might look for other things to work on but keep holding on to that dream. Dream big because I believe it can happen if you work hard.”
Bukod sa It’s Showtime (IS), napapanood si Anne sa Kapamilya drama series na It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO) na ipinapalabas sa iWant, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, TV5 at Netflix.
MAHIGIT 300 pelikula ang pinagpilian ng screening committee sa 7th edition ng Sinag Maynila Film Fest (SMFF) na gaganapin sa Setyembre 24-30, 2025.
Lima ang napili sa kategoryang Full-length Feature, 4 ang finalists sa Documentary-Open Call at 10 sa Documentary-Students.
Sixteen ang kalahok sa Short Films-Open Call at 25 ang kasali sa Short Films-Students.
Animnapung pelikula lahat ang participants this year sa independent film festival na itinatag nina Cannes Best Director Brillante Mendoza at Solar Entertainment executive producer Wilson Tieng noong 2015.
Ang limang pelikulang kalahok sa Sinag Maynila 2025 ay ang Altar Boy (AB), Candé, Jeongbu, Madawag ang Landas Patungong Pag-Asa (The Teacher) at Selda Tres (Cell Number 3).
Ang Altar Boy ay mula sa direksiyon ni Serville Poblete. Bida rito sina Mark Bacolcol, Shai Barcia at Pablo S.J. Quiogue.
Ang Candé ay idinirek ni Kevin Pison Piamonte, tampok sina JC Santos at Sunshine Teodoro.
Ang batikang direktor na si Topel Lee ang direktor ng Jeongbu kung saan kasama sa cast sina Aljur Abrenica, Ritz Azul at Empress Schuck.
Madawag ang Landas Patungong Pag-Asa (The Teacher) ang entry ng award-winning director na si Joel Lamangan. Tampok dito sina Rita Daniela, Jak Roberto at Albie Casiño.
At last but not the least, ang Selda Tres (Cell Number 3) ni Direk GB Sampedro kasama sina Carla Abellana, JM de Guzman at Cesar Montano.
Mapapanood ang Sinag Maynila 2025 entries sa Gateway, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, SM Mall of Asia (MOA) at SM Fairview.








Comments