top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nets, Heat, Grizzlies at Hawks, pumoposte sa unahan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 28, 2022





Nagtala ng malaking panalo ang Brooklyn Nets sa Milwaukee Bucks, 126-123, sa NBA kahapon mula sa Fiserv Forum. Patuloy ang kapit ng Nets sa ika-walong puwesto ng Eastern Conference habang hinihintay na bumalik ang mga bituin at mabuo sila muli.


Lamang lang ng dalawa ang Nets, 118-116 at mas matatag ang shooting nina Kyrie Irving, Andre Drummond at LaMarcus Aldridge. Nagmintis ang tres ni Giannis Antetokoumpo sa pagtunog ng busina.


Nagtapos na may 38 puntos si Irving sa 39 minuto at sinundan nina Seth Curry na may 19 puntos at Drummond na may 17 puntos. Nasayang ang mga double-double nina Bobby Portis na 30 puntos at Giannis na 29 puntos.


Mag-isa na ang Miami Heat sa taas ng Heat matapos pabagsakin ang bisitang San Antonio Spurs, 133-129. Umakyat sa 40-21 ang kartada ng Heat at nakatanggap ng tulong sa Memphis Grizzlies na tinalo ang dating kahati sa liderato na Chicago Bulls, 116-110, at bumaba sa 39-22.


Humataw si Bam Adebayo para sa 16 ng 36 puntos sa 4th quarter at sinuportahan ni Jimmy Butler at Tyler Herro na parehong may 27 puntos. Walang nakapigil kay All-Star Ja Morant ng Grizzlies at bumuhos siya ng 46 puntos, ang pinakamarami sa kanyang tatlong taon sa NBA.

Patuloy din ang malupit na shooting ni Trae Young at bumomba ng 41 puntos upang burahin ng Atlanta Hawks ang Toronto Raptors, 127-100. Matindi rin ang inilaro ng Boston Celtics sa 113-104 pagwagi sa kulelat na Detroit Pistons sa likod ng 27 puntos ni Jaylen Brown at 26 puntos ni Jayson Tatum.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page