top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nets, dinurog ang 76ers; Curry, matalas ang porma

BULGAR
Mar 12, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 12, 2022




Seryoso ang Brooklyn Nets at walang-awang dinurog ang Philadelphia 76ers, 129-100, sa NBA kahapon sa Wells Fargo Center. Sa isa pang laro, nagwagi ang Golden State Warriors sa Denver Nuggets, 113-102.

Bumira agad ng tig-11 puntos sa 1st quarter sina Kevin Durant at Kyrie Irving patungo sa 40-23 lamang at hindi na nila binitawan ito. Lumobo sa 120-84 ang agwat papasok sa huling 6 na minuto. Kahit hindi na naglaro sa buong 4th quarter, nanguna pa rin si Durant na may 25 puntos at 14 rebound. Sumunod ang dating 76ers Seth Curry na may 25 at Irving na may 24 puntos.

Ito rin ang unang talo ni Harden na suot ang uniporme ng Philadelphia subalit nanatili pa rin sila sa ikatlong pwesto sa Eastern Conference na may 40-25 panalo-talo. Isa sa mga pinili ng mga dalubhasa na magiging kampeon ngayong taon, patuloy ang pagbawi ng Brooklyn at umakyat sa 34-33 at pang-walo sa East.

Lamang ang Nuggets sa 3rd quarter, 72-58, at iyan ang hudyat para kay Stephen Curry na bumuhos ng 18 puntos at ibalik ang lamang sa Warriors papasok sa 4th quarter, 88-84. Eksakto rin na naitala ni Curry ang ika-20,000 puntos sa 13 taon sa NBA. Winasak ni Curry ang huling tabla ng laro sa shoot kasabay ng last 2 minutes, 104-102, at sinundan ng magkasunod na tres ni Jordan Poole upang lumayo, 110-102. Hindi na talaga nakapuntos ang Denver at nagdagdag ng mga free throw ang Golden State upang tumabla sa Memphis Grizzlies para sa ikalawang pwesto sa Western Conference sa kartadang 44-22.

Patuloy ang matalas na porma ni Curry sa kanyang 34 puntos buhat sa limang tres. Sumunod si Poole na may 21 puntos habang 18 si Klay Thompson.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page