Netizens, duda… ROLEX WATCH NA BIGAY KAY JULIA, REGALO NOON NI KIM KAY GERALD
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 15 2022

Big deal sa maraming netizens ang Rolex watch na gift ni Gerald Anderson sa girlfriend na si Julia Barretto.
Nagsanga-sanga na ang isyu pagkatapos uriratin ng mga netizens kung binigyan din daw ba ng aktor ng Rolex ang ginhosting na ex-girlfriend na si Bea Alonzo.
Heto at isang netizen naman ang naka-recall na noong si Kim Chiu raw ang girlfriend ng aktor, ang aktres ang maraming naibigay na mamahaling gamit kay Gerald.
Nang dahil sa Rolex, ayon sa isang netizen, nahalungkat ang isang old interview noon ni Vice Ganda kina Kim at Gerald para sa promo ng kanilang movie.
Natanong daw ni Vice sina Kim at Gerald kung ano ang most expensive things na ibinigay nila sa isa't isa.
Ayon kay Gerald, binigyan siya ni Kim ng TV, refrigerator, basketball shoes at golf cart noon. Ibinahagi rin ng aktor na binigyan din siya ni Kim ng relo.
Tinanong ni Vice kung ano ang brand ng relo. Sabi ni Gerald, Rolex.
Ikinonekta tuloy ng mga netizens ang present Christmas gift ni Gerald kay Julia. May mga Marites na nag-analyze, "Hindi kaya ang Rolex watch na gift ni Ge kay Julia ay ang Rolex na galing kay Kim?"
Ano kaya ang masasabi ni Julia sa paratang na ito?
Just to make sure, siguro, dapat ay magpakita ng resibo ang aktor, pagpapatunay na binili niya ang Rolex na gift niya sa girlfriend.





Comments