top of page
FRANKLY - ANNOUNCEMENT SA PAGBUBUNTIS NI SARAH, INAABANGAN NA-IG _matteog.jpg

Nepal-China border nilamon ng baha, 177 dedbol, higit 1K pa missing

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 28, 2026



Aftermath matapos ang flash flood sa Nepal - Navesh Chitrakar-Reuters

Photo: Aftermath matapos ang flash flood sa Nepal - Navesh Chitrakar-Reuters



Higit 1,000 katao, karamihan ay mga turista, ang nawawala matapos hagupitin ng matinding flash flood ang Nepal at Tibet, habang umabot na sa higit 177 ang iniulat na nasawi.


Sa Nepal, 826 katao ang nawawala, kabilang ang halos 600 dayuhan. Kabilang dito ang 178 mula India, 65 Amerikano, 35 Australian, 33 Briton at 25 Canadian. Iniulat din na isang Pilipino ang kabilang sa mga nawawala. Sa Tibet naman, 558 ang nawawala, kabilang ang hindi bababa sa 260 dayuhan.


Maraming bahay, sasakyan, kalsada at iba pang imprastraktura ang natangay o natabunan ng putik. Nagsasagawa na ng malawakang search and rescue operations ang mga awtoridad, kabilang ang paggamit ng mga helicopter, emergency workers, sniffer dogs at speedboat.


Marami sa mga biktima ay mga pilgrim na nagtungo sa Kailash Mansarovar, isang sagradong lugar sa Tibet.


Batay sa paunang pagsusuri, landslide ng yelo at bato ang posibleng nag-trigger sa rumaragasang baha sa Lhende River. Nilinaw din ng United States Geological Survey na ang unang napaulat na magnitude 4.4 na lindol ay hindi tunay na lindol, kundi seismic shock na dulot ng pagguho ng yelo at bato.


Samantala, naglaan ang pamahalaan ng Estados Unidos ng $500,000 (P30 milyon) bilang emergency assistance.


Patuloy ang paghahanap sa mga nawawala habang patuloy ding tinutukoy ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala at bilang ng mga nasawi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page