- BULGAR
Nelson Celis, bagong commissioner ng Comelec – P-BBM
ni Lolet Abania | August 15, 2022

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si Nelson Java Celis bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Naibahagi sa media ang appointment paper Celis ni Comelec chairperson George Garcia.
Sa isang Viber message sa mga reporters, ipinaliwanag ni Garcia na si Celis ay nakatanggap ng isang regular appointment na ang ibig sabihin nito, “[he] cannot assume yet until confirmed.”
Ayon naman kay Comelec spokesperson Rex Laudinagco, “Celis will continue the unexpired portion of former Comelec Commissioner Aimee Torrefrana-Neri. He will sit as Comelec commissioner until February 2, 2029.”
Base sa profile na nai-share ni Garcia sa mga reporters, si Celis ay isang electronics at communications engineer na mayroong 41 taong karanasan sa information technology at management.
Nagtapos siya na may degree ng Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering sa Don Bosco Technical College.
Nakuha naman ni Celis ang kanyang doctoral degree on business administration sa De La Salle University.
Kabilang sa kanyang expertise ang corporate governance, IT governance, strategic management, risk management, information security management system, business process management, systems audit, project management, business continuity management, at event management.