Negosyante, pinagbabaril ng riding-in-tandem

ni Maeng Santos @News | November 11, 2026

Photo: File
Malubha ang 59-anyos na negosyante nang ratratin ng hindi pa kilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa Malabon City.
Ginagamot sa ospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa kaliwang pisngi, ibabang bahagi ng tenga, likod at kaliwang hita ang biktimang si alyas Boy, ng Obando, Bulacan.
Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission kay NPD Director P/BGen.
Benliner Capili, naglalakad sa Megadike sa Brgy. Dampalit ang biktima alas-3:15 ng hapon nang pagbabarilin ng mga suspek na sa kabila ng mga tama ng bala ay nagawa pang makatalon sa ilog ng negosyante.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation para sa pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril sa biktima.





Comments