top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Negative sa drug test si BBM, ‘yun oh!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 24, 2021



NAGPA-DRUG test na si ex-Sen. Bongbong Marcos.


Negatibo ang resulta ng cocaine test!


◘◘◘


NAUNA nang nagpa-drug test si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.


Negatibo rin sa cocaine ang resulta!

◘◘◘


KAILAN magpapa-drug test sina VP Leni, Mayor Isko, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Bong Go?


Naging Comelec ang PDEA?


◘◘◘


NAKARATING na sa Ayungin Shoal ang supply ship ng Pilipinas.


Nakiusap kasi sila sa China.


Ngek!

◘◘◘


DAPAT idinepensa agad ng US ang supply ship ng Pilipinas nang harangin ng Chinese vessels.


Makikita nating ugok talaga ang US!


◘◘◘


NAGKUKUSA namang maging timawa ang Pilipinas sa mata ng daigdig.


Duwag kasi ang mga lider!

◘◘◘


KAILANGAN may “yagbols” ang magiging pangulo ng bansa.


Kung ganyan, sino ang boboto kay VP Leni?


◘◘◘


IRO-ROLLBACK daw ang presyo ng petrolyo.


Buwelo ‘yan para sa mas mataas na presyo bago mag-Pasko!


◘◘◘


TODO-TODO na ang taas sa presyo ng LPG.


Paano pa makakapagluto ng Noche Buena kapag ganyan?


Puro ihaw-ihaw na lang!

◘◘◘


NILUSTAY ng gobyerno ang ayudang cash sa mga dispalinghadong benepisaryo.


Itinataya lang ito sa e-sabong!

◘◘◘


DAPAT magsagawa ng lihim na pagsisiyasat ang DILG kung ilang benepisaryo ang lulong sa e-sabong.


Walang ganyang datos!


◘◘◘


HINDI malaman ng Malacañang ang gagawing diskarte.


Paano kaya nila maire-reverse ang resulta ng survey nang hindi masasaktan si Inday?


◘◘◘

TAG-ARAW na.


Puta-putaki na lang ang ulan!

◘◘◘


MARAMI ang sinisipon, inuubo at nilalagnat.


Pero, hindi sila nada-diagnose bilang COVID.


Naglaho na ang COVID!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page