top of page
SPECIAL - HEART, HIWALAY NA RAW KAY SEN. CHIZ, TAMEME_FB Heart Evangelista.jpeg

Necklace na may heart pendant ang b-day gift sa EB! host… Bimby, umaming si Ryzza Mae ang first kiss niya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | June 14, 2026



TALKIES - BIMBY, UMAMING SI RYZZA MAE ANG FIRST KISS NIYA_FB TVJ

Photo: FB TVJ



Nag-viral ang nakakakilig na pagbisita ni Bimby Aquino Yap, ang bunsong anak ng Queen of All Media na si Kris Aquino, sa noontime show na Eat… Bulaga! (EB!)


Naging espesyal ang kanyang pagbisita dahil natapat ito sa mismong kaarawan ng TV host na si Ryzza Mae Dizon noong Friday, June 12, 2026.


Sa isang panayam, ibinahagi ni Bimby na nami-miss niya sina Ryzza Mae Dizon at Miles Ocampo.


Ani Bimby, “Na-miss kita, Ate Miles, pero mas na-miss ko ‘to,” sabay akbay kay Ryzza, na naging sanhi ng kilig at sigawan mula sa mga manonood.

“Thank you, Bimb,” masayang sagot ng birthday girl na si Ryzza.


Nang purihin ni Miles si Bimby at sabihing, “Grabe, ang pogi mo naman, Bim,” agad naman itong sumagot ng “Mana sa mommy. Hahaha!”


Nagbahagi rin si Bimby ng isang nakakatuwang alaala tungkol sa kanila ni Ryzza.

“Alam ninyo, mga Dabarkads, technically si Ryzza ang first kiss ko. So, it was My Little Bossings days. May isang scene kami sa street noon na parang nanonood kami ng news. And then, na-kidnap kasi si Mama, tapos naging happy news na—parang nahanap na s’ya. Sa sobrang saya ko, dapat hahalikan ko si Ryzza sa cheeks, kaso sa bibig na-ano (napunta),” kuwento niya.


Biro naman ni Vic, “Naalala ko na, sinadya ni Ryzza ‘yun.”

“Secret lang, Bossing,” natatawang tugon ni Ryzza.


Nang tanungin ni Miles kung nagkakausap pa ba sila matapos ang kanilang proyekto, pabirong sagot ni Bimby, “Eh, ayaw n’ya.”

“Suplada,” biro naman ni Bossing Vic.

“Dalagang Pilipina po, Bossing,” depensa ni Ryzza.


Dagdag pa ni Bimby, “Ayaw n’ya na sa akin, eh.”

“Ayaw ni Ryzza?” tanong ni Miles.


Ikinuwento naman ni Ryzza na paminsan-minsan ay nagkakaroon pa rin sila ng

pagkakataong mag-bonding.


“Minsan po, nakakapag-bonding kami sa bahay nina Tita Kris. Ang ganda pa ng room n’ya kasi parang spaceship,” ani Ryzza.


Sa kanyang mensahe para sa birthday celebrator, sinabi ni Bimby, “Sana maibalik natin ang dati, ang friendship natin noon. Never change. Mula noong nakilala kita noong 8 years old ka pa lang, ‘di ka nagbago. Kaya stay the same person you’ve always been — a kind, beautiful, and caring person.”


Lalong kinilig ang mga nasa studio nang sabihin ni Bimby na, “Kung hindi man maging tayo, if we don’t end up together, kailangan, maging ninong ako sa kasal ni Ryzza Mae.”


Bilang regalo, binigyan ni Bimby si Ryzza ng isang kuwintas na may heart tag pendant, 

na siya mismo ang nagsuot sa dalaga.


“May leeg na ako, Bimb. Hahaha! Thank you, Bimb. Salamat sa gift. Super nice to see you again,” ani Ryzza.


Well, sobrang daming kinilig sa audience sa studio nu’ng araw na iyon at pati na rin ang mga nasa team bahay. Hahaha! 


Gusto nga nila na maging love team sina Bimby Aquino at Ryzza Mae Dizon.





MAS pinatingkad ng singer-songwriter na si Trisha Denise ang pag-ibig na unti-unting nabubuo sa kanyang bagong single na ‘Di Minamadali, tampok sina Thyro Alfaro at Soc Villanueva.


Isinulat nina Trisha, Thyro, at Soc ang soul-R&B track na tumatalakay sa saya at pananabik ng pagkakaroon ng espesyal na tao habang pinahahalagahan ang bawat yugto ng isang relasyon.


Nagsimulang magsulat ng mga awitin si Trisha sa edad na 11 at kalaunan ay nakagawa ng mga kanta para sa ABS-CBN Music artists gaya nina Regine Velasquez-Alcasid, Pops Fernandez, BINI, BGYO, Belle Mariano, Janella Salvador, atbp..


Noong 2021, inilabas niya ang kanyang debut album na Piece of the Puzzle, na sinundan ng EP (extended play) na Simula ng Wakas.


Noong nakaraang taon, nakasama niya sina Belle Mariano at Cesca para sa friendship anthem na Wala? Nandiyan? at inilabas ang Bakit Naman Hindi? bilang bahagi ng soundtrack ng It’s Okay Not to Be Okay (IONTBO).


Naging bahagi rin si Trisha Denise ng Panahon busking tour ni Angela Ken sa SM Southmall na dinagsa ng mahigit isang libong fans.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page