top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg

NCR overall champion sa 66th Palarong Pambansa, 91 golds

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 1
  • 1 min read

ni Elyssa Nichole @Sports | June 1, 2026



PINAGTULUNGAN si Shai-Gilgeous Alexander ng Oklahoma City Thunder nina Victor Wembanyama at isa pa pagdating sa gitna para i-swak ang bola sa labang ito sa NBA West finals

Photo: Circulated



PROSPERIDAD, Agusan del Sur - Wala pa ring makapigil sa tikas ng National Capital Region (NCR) kaya naman nanatiling overall champion ang mga ito sa 66th Palarong Pambansa na nagtapos kahapon dito.


Kumolekta ang NCR ng 91 golds, 71 silvers at 71 bronze medals sapat upang tiyakin ang pang-19 sunod na pangkalahatang kampeon sa event na inorganisa ng Department of Education at sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick "Pato" Gregorio.


Nakopo ng Region IV-A (CALABARZON) ang pangalawang puwesto matapos kumalawit ng 55 na ginto, 50 na pilak at 60 na tanso habang nasilo ng Region XI (Davao Region) ang third place (33G, 32S, 34B).


Malaking kontribusyon ang perfect seven gold medals para sa NCR ang nilangoy ni swimmer Patricia Mae Santor.

Nabingwit ng Region VII (Central Visayas) ang pang-apat na puwesto sa hinakot na 32 golds, 30 silvers at 44 bronze medals habang pang-lima ang Region VI (Western Visayas) na may 31,36,45 ginto, pilak at tanso.  


Samantala, bumilib si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa laki at ganda ng pasilidad ng Media central ng bumisita ito kasama si Agusan del Sur Vice Governor Patricia Anne Plaza noong Sabado ng gabi.


Pinuri ng alkalde ng QC ang matagumpay na pagdaos ng nasabing event sa Agusan del Sur.


"Ang galing, congratulations this is really big achievements," nakangiting pahayag ni Belmonte.


Kaya asahang mas pabobonggahin ni Belmonte ang 67th Palarong Pambansa sa susunod na taon 2027 kung saan ay ang Quezon City ang magiging punong abala.    


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page