top of page
Anjo sa Pinoy Pawnstar.jpg

NCAA: Nitura ng Cardinals bumira, Knights pinasuko

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | October 13, 2026



NCAA: Nitura ng Cardinals bumira, Knights pinasuko

Photo: Libreng naibuslo ni #26 Ivan Lazarte ng Mapua Cardinals ang bola sa depensa ni #4 Kevin Santos ng Letran Knights sa NCAA Season 102 men's basketball sa Filoil EcoOil Centre San Juan City kahapon. Wagi rito ang Cardinals, 69-67. (Ben Maniclang) 



Laro ngayon - FilOil 

3:00 PM Lyceum vs. Perpetual 

5:00 PM Arellano vs. SBU


Kumapit ng todo ang Mapua Cardinals para manaig sa Letran Knights sa overtime, 69-67, sa umiinit na NCAA Season 102 Men's Basketball sa FilOil Centre kahapon. Humaba sa apat ang sunod-sunod na panalo ng Cardinals matapos ang 0-3 simula.


Nag-shoot ng higanteng 3-points si Lance Nitura para bigyan ang Mapua ng 68-64 bentahe papasok sa huling 2 minuto. Nakahinga lang ng maluwag ang Cardinals nang hindi pumasok ang pukol ni Justin Cargo sabay ng busina na magpapanalo sana sa Knights.


Sinayang ng Mapua ang 53-38 lamang sa pangatlong quarter hanggang inagaw at ipinasok ni Cargo ang bola para sa pinakaunang lamang ng Letran, 59-58, at 3:25 sa huling quarter. Nagdagdag ng dalawang free throw si Cargo pero nakumpleto ni Ivan Lazarte ang foul-counted para pumantay, 61-61, at parehong hindi na pumuntos ang mga koponan para maglaro ng 5 pang minuto.


Tunay na balanse ang atake ng Cardinals at limang kakampi ang nanguna na lahat ay may 11 puntos na sina Nitura, Yam Concepcion, Cyrus Cuenco at mga reserba Lazarte at Jamal Diaz. Humakot din si Concepcion ng 11 rebounds.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page