top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

NCAA champ vs. kampeon ng NAASCU sa PBA D-League Opening

BULGAR
Jul 7, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 7, 2022



Maagang banggaan ng mga kampeon ng kanilang mga liga ang alay sa pagbubukas ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup ngayong Huwebes sa Araneta Coliseum.

Magsusubukan ang back-to-back NCAA champion Wang’s Basketball-Letran kontra six-time NAASCU champion Adalem Construction-St. Clare College simula 10:30 a.m. na susundan agad ng tapatan ng Centro Escolar University at AMA Online Education sa 12:30 ng tanghali.

Malaking bagay para sa Letran na buong-buo pa rin ang kanilang mga manlalaro na winalis ang katatapos na NCAA Season 97. Babalik muli sina NCAA MVP at Rookie of the Year Rhenz Abando, Fran Yu, Mark Louie Sangalang at Brent Paraiso para kay Coach Bonnie Tan.

Pagiging kumpleto rin ang alas ng Saints ni Coach Jinino Manansala Sr. sa pangunguna nina NAASCU MVP at Rookie of the Year Johnsherick Estrada, Mythical Five John Edcel Rojas at 6’8” Babacar Ndong. Tutulungan sila nina Bam Lopez, JJ Manacho, Luiz Tapenio, Gab Gamboa at Richard Victoriano.

Galing ang AMA sa pagtatapos ng ika-apat sa NAASCU at bibida sa Kings si Reed Baclig. Ang iba pang mga pambato ng Kings ni Coach Mark Herrera ay sina Nikon Alina, Thomas Pangilinan, Alvin Fuentes at rapper Young JV o Eduardo Kapunan.

Isang bagong CEU Scorpions sa gabay ni Coach Chico Manabat. Tanging sina Franz Diaz, Jerome Santos, Dave Bernabe at Christian Malicana ang mga nagbabalik na beterano.

Ang apat na iba pang koponan ay maglalaro sa Sabado sa Araneta muli. Magkikita ang Builders Warehouse-UST at Eco Oil-DLSU sa 10:30 a.m. at Marinerong Pilipino at Apex Fuels-San Sebastian sa 12:30.

Libre ang lahat ng mga laro sa publiko subalit dapat magpakita ng vaccination card at magsuot ng face mask sa loob ng palaruan. Kailangan kumuha din ng tiket sa Green Gate ng Araneta upang masubaybayan ang dami ng papasok na tagahanga.


Mga laro ngayong Huwebes – Araneta Coliseum

10:30 AM Wang’s-Letran vs. Adalem Construction-St. Clare;

12:30 PM Centro Escolar vs. AMA Online Education

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page